Kuha ni Hans Emmanuel Fabroa

Isinulat ni Hans Emmanuel Fabroa


Ako'y may alaga,
Asong si Patpat
Kataway magarapata
Magalis-galis ang mukha

Mahal niya ako,
Mahal ko rin siya.
Nang ika'y aking nakita
Dinapuan ako ng awa

Nakatambad siya sa akin
Papasok sa eskwela
Mata niya'y nagniningning
Parang nangungumbida

Inabutan ko ng biscuit
Ngunit walang tubig
Salat na ako sa lagok
Kaya sinimot ko nang ilang ulit

Yumuko ako at inusisa
Ang nagtutubig na pigsa
Nakapamagitna sa mga kilay
Sa nagluluhang mga mata

Sa mukha ko namutawi
Ang kalungkutan at diri
Mga bagay na pagtulong
Pero sa isip lang mangyayari

Bago ako bumangon palayo
Biglang sumampa si Patpat
Nagalusan ang aking braso
Makinis, porselanang balatong

Agad akong lumayo
Nanlimahid, napakunot
Matapos kang lumamon
Bakit mo ako kinalmot

Tumahol ka na nangangamo
Humabol sa may pultada
Pumasok na ako sa lilim
Habang hinarang ka sa pintuan

Mahal niya ako,
Minahal ko rin siya.
Ng ilang minuto lang
Bilang isang libangan