Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan
Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan
By CK Pagatpatan
November 30, 2022
Ipinanganak sa Maynila si Andres Bonifacio noong 1863. Isa siyang anak ng lokal na opisyal ng pamahalaan. Noong namatay ang kanyang mga magulang noong siya'y 14 na taong gulang, kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral at akuin ang responsibilidad na magtrabaho upang maitaguyod ang lima niyang kapatid. Noong kalagitnaan ng dekada 1880, siya ay naging isang masugid na nasyonalistang Pilipino. Nang itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipino noong 1892 isa si Bonifacio sa mga unang naging miyembro nito.
Noong dakipin ng mga Kastila si Rizal noong Hulyo 1892, napagtanto ni Bonifacio na ang natatanging paraan upang makamit ang kalayaan ay sa pamamagitan ng madugong rebolusyon. Noong ika-7 ng Hulyo, itinatag ni Bonifacio ang Kataastaasang Kagalang-galangan Na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o mas kilala sa bansag na Katipunan.
Ang Katipunan ay isang lihim na lipunan ng mga magsasaka at gitnang uri na gumagamit ng mga ritwal ng Mason upang magbigay ng sagradong misteryo. Ipinasok nito ang sarili sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga mutual aid society at edukasyon para sa mahihirap. Pagsapit ng taong 1896, ang Katipunan ay nagkaroon ng mahigit 30,000 miyembro at may impluwensya sa antas pambansa, panlalawigan, at munisipalidad.
Matapos paslangin si Jose Rizal noon 1896, idineklara ni Bonifacio ang kasarinlan ng Pilipinas noong ika-23 ng Agosto taong 1890. Sa pagkakataong ito, ang mga Kastila ay kumilos laban sa kanya. Nang pumunta si Bonifacio sa kabundukan ng Marikina upang mas magkaroon ng kontrol sa iba pang bayan si Aguinaldo.
Nang subukan ni Bonifacio na pigilan si Aguinaldo, inutusan ni Aguinaldo na arestuhin at kasuhan si Bonifacio ng pagtataksil at sedisyon. Dahil rito, siya ay nilitis at hinatulan ng kanyang mga kaaway at pinatay noong ika-10 ng Mayo 1897. 125 taon na ang nakalipas at patuloy nating inaalala ang kanyang katapangan.
Ngayon ay tinuturing si Bonifacio bilang isa sa mga pambangsang bayani ng Pilipinas. Isang bayaning naghangad ng mabuti para sa Pilipinas at walang ibang ginawa kundi ipaglaban ang kalayaan mula sa mananakop. Ang kanyang pagiging makabayan ay ating dapat tularan at isabuhay ang kahalagan ng kalayaan. Ating alalahanin ang katapangan at kagitingan ni Andres Bonifacio sa araw na ito. Nararapat nating gayahin ang mabuting halimbawa ni Bonifacio sa pagpapahalaga sa kalayaan at isabuhay ang pagiging makabayan.
[no-sidebar]
Si CK Pagatpatan ay isang magaaral mula sa Unibersidad ng Santo Tomas - Fakultad ng Sining at Titik. Siya ay isang freshman sa kursong AB Asian Studies at miyembro ng guild AS Gazette.